Sa paglulunsad ng Kadiwa ng Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM) Program sa Buliluyan Port, Bataraza, Palawan, tiniyak ni ASEC Karl Legazpi ng National Youth Commission ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa ating mga mangingisda. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin niya ang pangakong protektahan ang ating karagatan at tiyaking ligtas, may hanapbuhay, at kinikilala ang kontribusyon ng bawat Pilipinong nangingisda.