Malinaw ang naging mensahe ni ππππ« πππ¦π’π«ππ₯ πππ² πππ«π«π’ππ₯π, Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea, na tila ay natuto na ang China sa kanilang mga aksiyon. Lumalabas na natutunan na ng China na anumang uri ng pangha-harass ay agad na nakakakuha ng pansin sa international level.
Ayon kay Rear Admiral Tarriela, masasabi niyang isa ito sa dahilan ngayon kung bakit mas nakapagsasagawa na ang Pilipinas ng mga pagpapatrolya sa mga dating pinagtatalunang lugar, at mas malaya na ring nakapaglalayag ang mga Pilipinong mangingisda sa ilang bahagi ng karagatan. Dagdag pa niya, malinaw ang mensahe na ang anumang pangha-harass o agresibong pagkilos ng naturang bansa ay agad na nagiging usapin sa mga pandaigdigang balita bilang bahagi ng ππ«ππ§π¬π©ππ«ππ§ππ² ππ§π’ππ’πππ’π―π ng administrasyon.