Binigyang-diin ni 𝐑𝐞𝐚𝐫 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐫𝐚𝐥 𝐉𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐥𝐚, PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, ang krusyal na papel ng mga 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐲𝐚𝐠 sa pagpapalawak ng kamalayan ng publiko ukol sa tensyon sa rehiyon. Sa isang panayam sa media, kanyang ipinahayag na ang mga journalist ang pangunahing dahilan kung bakit mas nauunawaan at nadarama ng mga Pilipino ang usapin sa West Philippine Sea.
Ayon kay Rear Admiral Tarriela, ang mga 𝐤𝐮𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐢𝐮𝐮𝐥𝐚𝐭 ng media ay naglalapit sa realidad ng sitwasyon sa puso at isipan ng mga mamamayang Pilipino.