Kalayaan Sets Historic Legislative Session to Defend West Philippine Sea

Matagumpay na idinaos ng ika-16 na 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 ang kanilang 30𝐭𝐡 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 sa Berong, Quezon, Palawan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsagawa ang munisipalidad ng Kalayaan ng legislative session na kaugnay sa West Philippine Sea.

Ang mahalagang hakbang na ito ay sumasalamin sa 𝐦𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧 ng lokal na pamahalaan na ipaglaban ang ating 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐖𝐞𝐬𝐭 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐞𝐚 na matatagpuan sa nasabing lugar.

Pinagtibay din ng Sanggunian Bayan ng Kalayaan ang ilang mahahalagang resolusyon kabilang ang pagpapahayag ng buong suporta kay 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐨𝐝𝐨𝐫𝐞 𝐉𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐥𝐚 ng 𝑃ℎ𝑖𝑙𝑖𝑝𝑝𝑖𝑛𝑒 𝐶𝑜𝑎𝑠𝑡 𝐺𝑢𝑎𝑟𝑑 sa kanyang maprinsipyong paninindigan at kasabay nito ang pagdedeklara kay 𝐂𝐡𝐢𝐧𝐞𝐬𝐞 𝐀𝐦𝐛𝐚𝐬𝐬𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐉𝐢𝐧𝐠 𝐐𝐮𝐚𝐧 bilang 𝑃𝑒𝑟𝑠𝑜𝑛𝑎 𝑁𝑜𝑛 𝐺𝑟𝑎𝑡𝑎 dahil sa paglabag sa mga alituntunin ng diplomasya.

https://www.facebook.com/share/p/1CLauUAsHB/