Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, ππ¨π¦π¦π¨ππ¨π«π πππ² πππ«π«π’ππ₯π, isa ito sa mga pangunahing priority ng organization sa pamumuno ni πππ ππ¨π¦π¦ππ§πππ§π πππ¦π’π«ππ₯ ππ¨π§π§π’π ππ’π₯ πππ―ππ§, kung saan nakatuon ang strategic deployment ng 97-meter at 44-meter vessels, pati na rin ng mga aircraft, sa mga mahahalagang bahagi ng bansaβlalo na sa Malampaya East 1.
βIsa sa top priority ngayon ng Philippine Coast Guard sa pangunguna ni Admiral Gavan ay ang strategic deployment ng 97 at 44-meter vessels at aircraft sa mga significant areas ng bansa, lalo na sa Malampaya East 1 kung saan natuklasan ang panibagong source ng natural gas. Dahil sa panibagong discovery, mas magiging adaptive at responsive tayo pagdating sa pagde-deploy ng ating mga tauhan. We will be more proactive and strategically deploy our assets,β pahayag ni Commodore Tarriela.
Binigyang-diin ng PCG na ang hakbang na ito ay bahagi ng kanilang mandato na tiyakin ang maritime security, proteksyon ng critical energy infrastructure, at pagsuporta sa pambansang interes, lalo na sa mga lugar na may malaking papel sa seguridad ng enerhiya ng bansa.
Sa pamamagitan ng mas pinahusay na presensya at mabilis na pagtugon, layunin ng PCG na mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at soberanya sa mga strategic maritime areas ng Pilipinas.