Umaasa si 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐨𝐚𝐬𝐭 𝐆𝐮𝐚𝐫𝐝 (𝐏𝐂𝐆) 𝐒𝐩𝐨𝐤𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐖𝐞𝐬𝐭 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐞𝐚 𝐑𝐞𝐚𝐫 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐫𝐚𝐥 𝐉𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐥𝐚 na hihingi ng paumanhin ang pamahalaan ng China kaugnay ng isang 𝐀𝐈-𝐠𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐯𝐢𝐝𝐞𝐨 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐥𝐚𝐥𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐮𝐧𝐠𝐠𝐨𝐲, na aniya’y isang tahasang pang-iinsulto sa buong sambayanang Pilipino.
Ayon kay RADM Tarriela, umaasa siyang mananawagan din ng paghingi ng paumanhin ang mga opisyal na dati siyang pinuna kaugnay ng isang caricature na kaniyang ibinahagi noong Enero.
Iginiit pa ni RADM Tarriela na 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐖𝐞𝐬𝐭 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐞𝐚 ang tinutukoy sa naturang video. Aniya, ang 𝐮𝐧𝐠𝐠𝐨𝐲 na nakasuot ng 𝐛𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐠𝐚𝐥𝐨𝐠 𝐚𝐲 𝐤𝐮𝐦𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨, maliban man sa kanilang paninindigan sa isyu ng West Philippine Sea.
“𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐧𝐢𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐤𝐚, 𝐢𝐛𝐢𝐠 𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐭𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐠 𝐧𝐚 ‘𝐬𝐭𝐮𝐩𝐢𝐝 𝐦𝐨𝐧𝐤𝐞𝐲’ 𝐧𝐠 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞’𝐬 𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐨𝐟 𝐂𝐡𝐢𝐧𝐚,” ayon kay RADM Tarriela.
Binigyang-diin din niya na nararapat lamang na humingi ng paumanhin ang China sa sambayanang Pilipino, sabay iginiit na 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐭𝐮𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐯𝐢𝐝𝐞𝐨 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐭𝐚𝐤𝐞 𝐬𝐚 𝐢𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐝𝐢𝐛𝐢𝐝𝐰𝐚𝐥 𝐤𝐮𝐧𝐝𝐢 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐩𝐚𝐬𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐝𝐢𝐠𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬.