Nanindigan si Philippine Coast Guard Spokesperson for West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela na walang mali sa pagpapahayag ng katotohanan patungkol sa mga nangyayari sa West Philippine Sea lalo’t ang mga ito ay maliwanag na fully aligned sa government’s commitment at international law. Kanya ring iginiit na wala siyang dapat ipaliwanag sa pagkalat ng mga caricature.
Kaugnay nito nagsagawa ng diplomatic protest laban kay Commodore Tarriela ang Chinese Embassy at hinikayat itong humingi ng paumanhin sa Chinese Government dahil isa umano itong violation sa political dignity ng kanilang bansa.
Gayunpaman, iginiit ni Commodore Tarriela na walang authority mula sa nasabing ahensiya na siya ay magpaliwanag. Sapagkat aniya isa lamang itong paraan upang siya’y patahimikin dahil sa kanyang pagpapahayag ng katotohanan.
𝐍𝐢𝐥𝐢𝐧𝐚𝐰 𝐫𝐢𝐧 𝐧𝐢 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐨𝐝𝐨𝐫𝐞 𝐓𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐥𝐚 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐨𝐬𝐭𝐬 𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐬𝐞 𝐚𝐭 𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐟𝐚𝐜𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐚𝐜𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭𝐬 𝐚𝐭 𝐭𝐨𝐭𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐨𝐛𝐬𝐞𝐫𝐛𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧.