PCG, Kinumpirma ang Patuloy na Presensya ng China sa West Philippine Sea

Kinumpirma ng 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐨𝐚𝐬𝐭 𝐆𝐮𝐚𝐫𝐝 na patuloy ang presensya ng mga barko ng 𝐂𝐡𝐢𝐧𝐚 𝐂𝐨𝐚𝐬𝐭 𝐆𝐮𝐚𝐫𝐝 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐥𝐢𝐠𝐢𝐝 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐣𝐨 𝐝𝐞 𝐌𝐚𝐬𝐢𝐧𝐥𝐨𝐜 𝐨 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐒𝐡𝐨𝐚𝐥. Nakita rin umano ang ilang barko na iniuugnay sa Chinese Maritime Militia.

Iniulat din ang presensya ng mga dayuhang sasakyang-dagat sa loob ng 𝐄𝐱𝐜𝐥𝐮𝐬𝐢𝐯𝐞 𝐄𝐜𝐨𝐧𝐨𝐦𝐢𝐜 𝐙𝐨𝐧𝐞 (𝐄𝐄𝐙) 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬 kabilang ang Panganiban Reef na sinakop ng China noong 1995.

Ayon kay 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐨𝐝𝐨𝐫𝐞 𝐉𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐥𝐚, patuloy ang pagpapatrolya at pagbabantay ng PCG sa West Philippine Sea upang igiit ang soberanya at karapatan ng bansa, habang nagpapatuloy din ang diplomatikong hakbang ng pamahalaan upang tugunan ang sitwasyon.

https://www.facebook.com/share/p/1CwzWRtJfv/