Pagtibayin Ang Suporta Sa Ating Mga Bagong Bayani!

Sa opisyal na paglulunsad ng Kadiwa ng Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM) Program, buong pusong ipinahayag ni Assistant Secretary Genevieve Guevarra ng Department of Agriculture ang suporta ng pamahalaan sa ating mga mangingisda at magsasaka—mga itinuturing na tunay na haligi ng seguridad sa pagkain at kabuhayan ng bansa.

Ang programang ito ay hindi lamang nagsusulong ng abot-kayang bilihin para sa mga mamamayan, kundi nagbibigay rin ng mas direktang kita at oportunidad para sa mga lokal na mangingisda at magsasaka.

https://www.facebook.com/wpstransparencygroup/posts/pfbid0ycEE6QHQ7TMGy3fyD8qMYQ5YDyVwVeuQqDH1opqcHChauFNXfBavQHpnfpPc1n6kl