Sa ginanap na opisyal na paglulunsad ng Kadiwa ng Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM) Program tiniyak ni Admiral Ronnie Gil Gavan, Commandant ng Philippine Coast Guard, ang walang sawang suporta ng pamahalaan sa sektor ng pangingisda, partikular sa mga mangingisda na nagsisilbing haligi ng seguridad sa pagkain ng bansa.
Ang pahayag ay patunay sa hangarin ng pamahalaan na paigtingin ang pagtutulungan para sa kapakanan ng mga mangingisdang Pilipino, lalo na sa mga lugar na humaharap sa hamon ng territorial disputes at marine resource protection.