dineklara ng Munisipalidad ng 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧 ang kanilang nagkakaisang suporta kay 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐨𝐝𝐨𝐫𝐞 𝐉𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐥𝐚 kaugnay ng kanyang matatag na pagtindig para sa West Philippine Sea. Kasabay nito, idineklara rin ng bayan bilang 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚 𝐧𝐨𝐧 𝐠𝐫𝐚𝐭𝐚 sa loob ng sakop ng munisipalidad si Chinese 𝐀𝐦𝐛𝐚𝐬𝐬𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐉𝐢𝐧𝐠 𝐐𝐮𝐚𝐧.
Ang mga pahayag na ito ay nakapaloob sa 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐥𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐨. 𝟎𝟗𝟐-𝟎𝟏𝟔 𝐨𝐟 𝟐𝟎𝟐𝟔, na pinagtibay ng Sangguniang Bayan noong 𝐉𝐚𝐧𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔. Nilalaman ng resolusyon ang pagpapahayag ng matinding pagtutol sa mga pahayag at kilos ng Chinese Embassy na itinuturing na paglabag sa diplomatic protocol at kawalan ng paggalang sa mga opisyal ng Republika ng Pilipinas.
Ayon sa resolusyon, ang Munisipalidad ng Kalayaan ang nag-iisang 𝐟𝐫𝐨𝐧𝐭𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 ng bansa na matatagpuan mismo sa 𝐖𝐞𝐬𝐭 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐞𝐚, dahilan upang gumanap ito ng mahalagang papel sa pagtatanggol ng soberanya at karapatang pandagat ng Pilipinas.
Sa kabuuan, ipinapakita ng hakbang ng Munisipaliad ng Kalayaan ang kanilang malinaw at nagkakaisang suporta sa mga pagsisikap ng pamahalaan na ipagtanggol ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea. Bilang isang frontline community, patuloy nilang pinaninindigan ang 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐨𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥 na tumutupad sa kanilang tungkulin para sa interes ng Pilipinas.